Jump to content
  • -- What's on Your Mind? | CLICK HERE TO JOIN A RANDOM DISCUSSION --

Your Message to the "One That Got Away"


Recommended Posts

  • 2 months later...
  • Members

Would things have been different if i came in your life first? 18yeard ago, when i had to say goodbye and from time to time i still think of you. I wonder if things could have ended differently if only...

You werent the one that got away, you were the one that i had to let go because someone else had you first. 

Link to comment
Share on other sites

  • 1 month later...
  • 2 months later...
  • 1 month later...
  • Members

Minahal natin ang isa't isa. Pero sa ibang paraan. Nanatili tayo na nandyan para sa isa't isa. Bilang magkaibigan. Ang saya natin noon, sigurado ako, na iisa ang iniisip at nararamdaman natin. Sabay tayong nakukuntento sa kung anong meron sa atin. Sinong niloko ko? Sa totoo lang, nakukulangan ako kasi pwede namang tayo. Sigurado naman ako sa nararamdaman ko, ang kaso, baka ipinagpapalagay ko lang na ganoon din ang iyo? Pero bakit ganoon, iba yung pakiramdam ko. Alam kong ganito rin ang nararamdaman mo. Kitang-kita ko sa mga ngiti at mata mo. Sa mga kilos mo, sa mga pinaparamdam mo. Nagagalak ako na nariyan ka, habang nagluluksa ako para sa kaduwagan ko.

Lumipas ang maraming taon, marami ng nangyari. Tamang kamustahan nalang, o kung mapagbigyan ng pagkakataon, mas mahabang usapan. Nakalimutan ko na nga yung sa atin noon. Wala palang atin, ako lang ang nag iisip nito. Hanggang sa ibinalita mong ang nalalapit na pag iisang dibdib nyo ng nobyo mo. Anong nangyari, bakit ang bilis? Bukod sa pagkakaiba ng paniniwala at antas ng pamumuhay, napalayo rin ang distansya at presensya ng isa't isa. Pero ayos lang, sobrang nagagalak ang puso ko na natagpuan mo na yung kaligayahan mo. Subalit hindi ko maitago ang konting kirot. Paano magluksa para sa taong nandyan pa? Kaya gumawa ako ng ibang bagay na labis na ikasasaya ko, tinutukan ko ang mga bagay na walang kinalaman sa pag-ibig. Ganoon naman dapat.

Lumipas ulit ang ilang taon, mas madalang na kamustahan nalang ang nangyayari. Natural lang iyon dahil may kabiyak ka ng iniintindi. At may pamilya na kayong sinisimulan. Pero sobrang nagulat ako sa ibinalita ng isa sa mga kaibigan natin ang iyong pagkawala nang dahil sa sakit. Nakakabigla, samantalang magkausap pa tayo ilang araw bago mabanggit sa akin ito. Anong nangyari, bakit ang bilis? Itong tanong na naman na ito. Ganoon nalang yun. Masayahin akong tao, at madali akong mag waksi nang ano mang uri ng kalungkutan na nararamdaman ko. Pero iba yung ngayon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pighati. Pero wala, parte ng buhay ang kamatayan. Masyadong yatang napaaga? Ang buhay daw ay nagsisimula pagtuntong ng apatnapung gulang, pero kulang ka pa ng labingapat. Pagluluksa na naman, pero ngayon, marami kami.

Dumalaw kaming mga kaibigan mo syempre. Tamang kamustahan at kwentuhan kasama ang nanay mo. Sinasariwa namin yung mga magagandang ala-ala na iniwan mo. Nalungkot ako sa mga kwento nila na pinagdaanan mo. Bakit di mo sinabi sakin? Sabi mo masaya ka, at ang tanga ko na hindi ko kinumpirma o hindi ko man lang naramdaman sa'yo. At mas nasaktan ako na parang sinampiga sa narinig ko ng bigkasin ng isa sa malapit mong kaibigan na noon pa man, gusto mo rin ako. Hindi pala ako nag iilusyon, totoo pala ang mga pakiramdam ko noon. At oo, kinumpirma iyon ng nanay mo. Pinilit kong hindi maluha. Nalula, natulala, parang saglit na nawala sa sarili, lumutang, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung anong salita ang gagamitin para maipaliwanag yung nararamdaman ko. Pambihira, may ganito pala sa totoong buhay, akala ko sa mga lathalain at pelikula lang. Pero syempre pinilit kong maging kalmado at pinanatili ang kalamigan ng aking loob. Hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag ang sarili ko sakanila at aminin iyong magal ko nang lihim.

Ang tanga ko at ang duwag ko, yun lang ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Sana ako yung nagparanas ng mga bagay na magindapat para sa'yo. Minsan na nga lang ako magkakaroon ng pagkakataon na bigyan ka ng bulaklak, sa libing mo pa. Tama siguro yung guro natin sa pamamahayag nung sinabihan nya ako ng mas loko-loko pa ako sa kalokohan at nahihibang na ako, napakamasayahin kong tao, pero pag pinapasulat nya ako ng mga artikulo at tula puro patungkol sa kalungkutan ang naisusulat ko. Wala e, sa ganitong paraan ko lang kayang aminin ang kahinaan at kaduwagan ko. Walang espasyo ang panghihinayang at pagsisisi ngayon.

Naiisip pa rin kita. Isa ka sa pinakamagandang ala-ala at pinakamasakit na leksyon ko. May mga oras pa rin na nangungulila at ginugunita ko ang mga hampas at kurot mo pag natutuwa ka. Sa pagdantay mo sa balikat ko pag nalulumbay ka, o pinapatay lang natin yung oras. Yung buong taon na ginugol ko sa tersiyaryong antas na ikaw lang ang kapares ko sa tuwing may pagdiriwang o aktibidad tulad ng pagsayaw, o kung ano pa man. Dahil lang sa rason na ayaw mong may ibang hahawak sa'yo o hahawak sa akin, baka malason at ating munting kaisipan noon, na kung tayo man lang ay walang malisya. Pambihira, dahilan mo lang pala iyon. Pero gustong gusto ko naman iyon. Yung pag bahagi mo ng baon mo sa akin. Yung laging pagpapaalala ko na uminom ka ng tubig dahil lagi mong kinakatamaran. Yung unang beses na pinunan natin ang patlang ng ating mga daliri. Pag yumayakap ka kapag may magandang balita, o malungkot ka. Yung pagdampi ng labi mo sa labi ko kahit saglit lang, na ang rason ay niligtas mo lang naman ako dahil nalunod ako, at nung naiahon mo na ako, nataranta ka at kahit nakita mong humihinga ako at nagsagawa ka ng CPR at Mouth-to-mouth resuscitation. Parehas tayong natawa sa ginawa mo, sabi mo nga kung iisipin, parehas nating unang halik yun. At sabay din tayong nahiya sa isa't isa nung naisip na natin. Pero nakakahiya talaga iyon, kalalake kong tao, hindi ako marunong lumangoy at ikaw pa nagligtas sa akin. Biruin mo, nakaya mo ko samantalang hanggang balikat lang kita. Yung pagkanta mo kapag tumutugtog ako ng gitara. Para sakin, sa'yo ang pinakamagandang tinig na narinig ko. At noong una kitang maisayaw, ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko. Sa totoo lang, marami pa, napakarami pa.

 

Alam ko namang walang papansin nito, at wala na rin yung gusto ko na makabasa nito. Pero ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin yung totoong nararamdaman ko. Kahit sa ganitong paraan lang. Taon ko na ring kinikimkim ito. 

 

 

Edited by frostmisery
  • Like 2
Link to comment
Share on other sites

Join the conversation

You are posting as a guest. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

 Share

×
×
  • Create New...