frostmisery
Members-
Posts
12 -
Joined
-
Last visited
-
Days Won
1
Content Type
Profiles
Forums
Articles
Calendar
Blogs
Everything posted by frostmisery
-
ambition What Was Your Ambition?
frostmisery replied to Do Better's topic in Academics | Schools | Online Courses
To witness a miracle. -
happy What Made you Smile Today?
frostmisery replied to Love and Relationship's topic in LOVE - Matters of the Heart
Sinigang -
food What's Your Favorite Canned Food These Days?
frostmisery replied to Eat and Drink's topic in Food and Beverages
san marino corned tuna -
What's on your mind?
-
After class, all you ever wanted was to run home because you've got a good meal waiting for you. Then home is 45 minutes away and the rain poured down heavily, you're just about to get your head wet until you've stepped into someone's umbrella and her laces untied..What are you going to do?
-
I'm going to tell that her laces are untied, then I will offer to hold the umbrella for her so she could fix it. As soon as she hands over her umbrella, I will RUN! just kidding 😄
-
-
Rick Astley - Never Gonna Give You Up
-
relationship Biggest Lies Ever
frostmisery replied to Love and Relationship's topic in LOVE - Matters of the Heart
it's good to see you/hear from you. -
Ages 20 to 29 - Have You Started On Your Dreams Yet?
frostmisery replied to MedUSA's topic in Career Encouragements
di ko pa rin ma-figure out, parang taong lumulutang na walang pangarap. basta pagkakaperahan oks. -
business Business Ideas
frostmisery replied to Do Better's topic in Money | Finance | Banking | Investments | Loans
ff -
cravings Cravings - What Do You Want To Eat or Drink Now?
frostmisery replied to Eat and Drink's topic in Food and Beverages
zesto choco -
relstionship Women or Men To Avoid
frostmisery replied to Love and Relationship's topic in LOVE - Matters of the Heart
Avoid someone who mistakes kindness with flirting then paint you as the bad guy. Learned my lesson the hard way. There's this bullied girl sa org, kaya I befriended her. Actually lahat naman friend ko, mapapababae o mapalalake. Marami ng nagbigay ng warning sakin na psycho sya kaya iwas-iwasan ko. Pero ang mantra ko kasi noon, always choose to see the good in others. I was too young and fool at that time, masyadong idealistic. Para na rin smooth ang lahat sa team, at para na rin sa well-being ng utak ko. Hindi naman sa nagmamalinis pero sure ako na clear ako sa intention ko sa lahat. Ayoko rin kasi na namimisinterpret ako, mahirap kasi mag'mend ng misunderstanding, lalo na pag di open yung other side sa maayos na communication. Then yep, after ilang months umamin sya. I explained it to her, which she says alam naman nya and di sya nag eexpect na ireciprocate ko yun. So clear naging usapan namin (sa tingin ko). Naging nice pa rin ako sakanya, while being sensitive sa emotion nya. I don't really wanna shit where I eat. Kaya iwas-iwas sa ka-team pag dating sa love aspect. After more than a year, nagkaroon ako ng ka-relasyon (labas ng org). At ayun na nga, nag psycho-mode si girl. She spread rumors, nag-hit daw ako sakanya, di-nate ko daw sya, at kung anu-ano pa to the point na nag-all out sya, tnry nya talaga na imanipulate lahat, bribing them with treats, para lang pakinggan sya sa "heartbreak" nya. Syempre alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun, kaya naging confident ako at inignore ko. Besides my friends knows me (yun ang akala ko). Talo ka pala pag babae ang nagdrama at ginamit nya ang "gender card" (sorry ayoko mag tunog sexist dito, pero wala na kong maisip na mas magandang word para idescribe). Hindi ko rin inexpect na a woman who is around ten years older than me would do that, sabagay wala din kasi talagang pinipiling age ang heartbreak and hatred. May naniwala sakanya, may hindi, at may nag-confirm muna. Na'hurt ako hindi dahil sa ginawa nya, kundi dahil dun sa mga naniwala agad sakanya at di muna nag confirm kasi mostly sakanila matatagal ko ng kasama, sinisimulan palang yung team, hanggang sa nag grow. At least diba may lesson sa akin. Baka may mali rin talaga ako. Never akong nagka-issue (non-work related) sa org, bukod sa pagiging confrontational ko pag work-related matters, bread and butter mo then gagawa ka ng kapalpakan na maaapektuhan ang team. Ito lang talagang pangyayari na ito. Luckily, wala na ko doon at nakakita na ako ng better opportunity and pay. Flexi din ang oras, at sa bahay lang. Walang office drama, at mas konti kami sa team. Kung maingat ako sa trato ko sa tao noon, mas maingat ako ngayon. Medyo picky na rin ako sa mga taong gusto ko maka-mingle ng dahil sa horror story na yun. Hindi na rin ako takot mawalan ng friends, at mas tine-treasure at na-a'appreciate ko na lalo yung mga totoo sakin (being true doesn't mean being nice lagi, may mga brutal akong friends na ready akong batukan at murahin pag may palpak ako o maling point of view). So ya, win pa rin dahil sa lessons na natutunan ko. -
love Your Message to the "One That Got Away"
frostmisery replied to The Internet Superstar's topic in LOVE - Matters of the Heart
Minahal natin ang isa't isa. Pero sa ibang paraan. Nanatili tayo na nandyan para sa isa't isa. Bilang magkaibigan. Ang saya natin noon, sigurado ako, na iisa ang iniisip at nararamdaman natin. Sabay tayong nakukuntento sa kung anong meron sa atin. Sinong niloko ko? Sa totoo lang, nakukulangan ako kasi pwede namang tayo. Sigurado naman ako sa nararamdaman ko, ang kaso, baka ipinagpapalagay ko lang na ganoon din ang iyo? Pero bakit ganoon, iba yung pakiramdam ko. Alam kong ganito rin ang nararamdaman mo. Kitang-kita ko sa mga ngiti at mata mo. Sa mga kilos mo, sa mga pinaparamdam mo. Nagagalak ako na nariyan ka, habang nagluluksa ako para sa kaduwagan ko. Lumipas ang maraming taon, marami ng nangyari. Tamang kamustahan nalang, o kung mapagbigyan ng pagkakataon, mas mahabang usapan. Nakalimutan ko na nga yung sa atin noon. Wala palang atin, ako lang ang nag iisip nito. Hanggang sa ibinalita mong ang nalalapit na pag iisang dibdib nyo ng nobyo mo. Anong nangyari, bakit ang bilis? Bukod sa pagkakaiba ng paniniwala at antas ng pamumuhay, napalayo rin ang distansya at presensya ng isa't isa. Pero ayos lang, sobrang nagagalak ang puso ko na natagpuan mo na yung kaligayahan mo. Subalit hindi ko maitago ang konting kirot. Paano magluksa para sa taong nandyan pa? Kaya gumawa ako ng ibang bagay na labis na ikasasaya ko, tinutukan ko ang mga bagay na walang kinalaman sa pag-ibig. Ganoon naman dapat. Lumipas ulit ang ilang taon, mas madalang na kamustahan nalang ang nangyayari. Natural lang iyon dahil may kabiyak ka ng iniintindi. At may pamilya na kayong sinisimulan. Pero sobrang nagulat ako sa ibinalita ng isa sa mga kaibigan natin ang iyong pagkawala nang dahil sa sakit. Nakakabigla, samantalang magkausap pa tayo ilang araw bago mabanggit sa akin ito. Anong nangyari, bakit ang bilis? Itong tanong na naman na ito. Ganoon nalang yun. Masayahin akong tao, at madali akong mag waksi nang ano mang uri ng kalungkutan na nararamdaman ko. Pero iba yung ngayon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pighati. Pero wala, parte ng buhay ang kamatayan. Masyadong yatang napaaga? Ang buhay daw ay nagsisimula pagtuntong ng apatnapung gulang, pero kulang ka pa ng labingapat. Pagluluksa na naman, pero ngayon, marami kami. Dumalaw kaming mga kaibigan mo syempre. Tamang kamustahan at kwentuhan kasama ang nanay mo. Sinasariwa namin yung mga magagandang ala-ala na iniwan mo. Nalungkot ako sa mga kwento nila na pinagdaanan mo. Bakit di mo sinabi sakin? Sabi mo masaya ka, at ang tanga ko na hindi ko kinumpirma o hindi ko man lang naramdaman sa'yo. At mas nasaktan ako na parang sinampiga sa narinig ko ng bigkasin ng isa sa malapit mong kaibigan na noon pa man, gusto mo rin ako. Hindi pala ako nag iilusyon, totoo pala ang mga pakiramdam ko noon. At oo, kinumpirma iyon ng nanay mo. Pinilit kong hindi maluha. Nalula, natulala, parang saglit na nawala sa sarili, lumutang, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung anong salita ang gagamitin para maipaliwanag yung nararamdaman ko. Pambihira, may ganito pala sa totoong buhay, akala ko sa mga lathalain at pelikula lang. Pero syempre pinilit kong maging kalmado at pinanatili ang kalamigan ng aking loob. Hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag ang sarili ko sakanila at aminin iyong magal ko nang lihim. Ang tanga ko at ang duwag ko, yun lang ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Sana ako yung nagparanas ng mga bagay na magindapat para sa'yo. Minsan na nga lang ako magkakaroon ng pagkakataon na bigyan ka ng bulaklak, sa libing mo pa. Tama siguro yung guro natin sa pamamahayag nung sinabihan nya ako ng mas loko-loko pa ako sa kalokohan at nahihibang na ako, napakamasayahin kong tao, pero pag pinapasulat nya ako ng mga artikulo at tula puro patungkol sa kalungkutan ang naisusulat ko. Wala e, sa ganitong paraan ko lang kayang aminin ang kahinaan at kaduwagan ko. Walang espasyo ang panghihinayang at pagsisisi ngayon. Naiisip pa rin kita. Isa ka sa pinakamagandang ala-ala at pinakamasakit na leksyon ko. May mga oras pa rin na nangungulila at ginugunita ko ang mga hampas at kurot mo pag natutuwa ka. Sa pagdantay mo sa balikat ko pag nalulumbay ka, o pinapatay lang natin yung oras. Yung buong taon na ginugol ko sa tersiyaryong antas na ikaw lang ang kapares ko sa tuwing may pagdiriwang o aktibidad tulad ng pagsayaw, o kung ano pa man. Dahil lang sa rason na ayaw mong may ibang hahawak sa'yo o hahawak sa akin, baka malason at ating munting kaisipan noon, na kung tayo man lang ay walang malisya. Pambihira, dahilan mo lang pala iyon. Pero gustong gusto ko naman iyon. Yung pag bahagi mo ng baon mo sa akin. Yung laging pagpapaalala ko na uminom ka ng tubig dahil lagi mong kinakatamaran. Yung unang beses na pinunan natin ang patlang ng ating mga daliri. Pag yumayakap ka kapag may magandang balita, o malungkot ka. Yung pagdampi ng labi mo sa labi ko kahit saglit lang, na ang rason ay niligtas mo lang naman ako dahil nalunod ako, at nung naiahon mo na ako, nataranta ka at kahit nakita mong humihinga ako at nagsagawa ka ng CPR at Mouth-to-mouth resuscitation. Parehas tayong natawa sa ginawa mo, sabi mo nga kung iisipin, parehas nating unang halik yun. At sabay din tayong nahiya sa isa't isa nung naisip na natin. Pero nakakahiya talaga iyon, kalalake kong tao, hindi ako marunong lumangoy at ikaw pa nagligtas sa akin. Biruin mo, nakaya mo ko samantalang hanggang balikat lang kita. Yung pagkanta mo kapag tumutugtog ako ng gitara. Para sakin, sa'yo ang pinakamagandang tinig na narinig ko. At noong una kitang maisayaw, ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko. Sa totoo lang, marami pa, napakarami pa. Alam ko namang walang papansin nito, at wala na rin yung gusto ko na makabasa nito. Pero ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin yung totoong nararamdaman ko. Kahit sa ganitong paraan lang. Taon ko na ring kinikimkim ito.- 34 replies
-
- 2
-
- relationships
-
(and 1 more)
Tagged with: