-
entries
4 -
comments
21 -
views
8330
About this blog
Sa huling bahagi ng 2020; magpahanggang ngayong 2021. Naging mainit na usapin ang pag talaga ng kulay pula(''red tagging'') ng pamahalaan sa mga organisasyon na tila ang adhikain ay ibagsak,may gustong baguhin sa pamamalakad ng gobyerno,may mga puna at sa pangkalahatan ay hinde ayon sa mga pangyayari o nangyayari sa ating lipunan. Ito ay isang halimbawa o maituturing na kaso ng dalawang pananaw na hinde magkasundo. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay,sa lipunan at sa mga napapanahong kaganapan.Kung isa ka sa mga nabanggit sa itaas o malapit sa mga nabanggit; maari mo bang ibahagi ang iyong hinanakit,karanasan(masaya o hinde,maayos man o magulo,sang-ayon o hinde),ang nakikita mong tama o mali sa ating kapaligiran.
Isang pag lilinaw: ang pagiging ''aktibista'' ay hinde nangangahulugan na ikaw ay umaayon sa idelohiyang komunismo, Ang ''BLOG'' na ito ay aking ginawa upang mapulsohan ang ating pananaw sa pang araw-araw na saloobin ng mga makakabasa at mag kokomento dito ukol sa mga napapanahong usapin.Walang tama o maling pananaw,ito ay hinde upang magpagalingan ng opinyon...kundi ipahayag ito sa konteksto ng ating personal na pananaw at sa pag gawa nito ay may matutuhan o malaman tayong dagdag na kaalaman sa mga isyu ng lipunan na ating ginagalawan. Ito ay hinde ginawa upang mag himagsik o maghikayat at ang may gawa (ako) ay hinde parte ng kahit anong organisasyon na may kinalaman sa idelohiyang komunismo.
Balala: Ang mga kontento o konteksto ay maaring hinde angkop sa maiinitin ang ulo at pagiging bukas sa isyu ay kinakailangan. Bilang tayo ay mga nasa sapat na edad na...patnubayan po natin ang ating mga sarili.Salamat po.